Ang ika-22nd Winter Olympics ay kasalukuyang idinaraos sa Sochi, Russia at ito ay matagumpay naman sa kasalukuyan. Salamat naman sa matinding seguridad na ipinataw dito ng mga Russians at international organizers. Ako po ay natutuwa naman dahil sa wakas ay napansin din ang isang Filipino male figure skater na si Michael Christian Martinez, isang 17 anyos na batang lalaki na galing ng Muntinlupa City, na sumabak sa larong ito na bihirang makita sa isang tropical country na gaya ng Pilipinas. Siya ang kauna-unahang figure skater na sumabak sa Winter Olympics na galing bansang Pilipinas at galing din sa isang south east asian nation.
Sa umpisa ako po ay nabighani sa talento at galing ni Michael Christian Martinez dahil sa mga artistic movements nya sa kanyang routines gaya ng mga spins, jumps, at pati na rin ang kanyang flexibility and artistry na masasabing pinaka-matindi batay sa kanyang edad and maturity. I've been campaigning for donations for him kasi po sya ay isang independent athlete at ang Philippine government ay hindi po tumutulong sa kanyang pag-eensayo and trainings lalo na po sa mga financial matters ng kanyang laro especially paying the coaches and buying his costumes and expensive skates. (Isa pong napaka-mahal na laro ang figure skating if you all know it.) Kawawa po sya kasi isinangla po ng mommy nya ang kanilang bahay para lang maabot ni Michael ang kanyang pinakamimithing pangarap na makapaglaro sa Winter Olympics matapos ma-qualify sya last year sa Nebelhorn Trophy Cup na ginanap sa Oberdorf,Germany.
Madami na po ang napagdaanan ni Michael, since he started skating at the age of 8 years old, pero hindi po sya natinag sa mga challenges at sacrifices na nangyayari along the way. Marami na rin po syang napanalunang mga medals at trophies sa mga competitions na kanyang sinalihan maging local or worldwide competitions. Buo pa rin ang kanyang paniniwala at masigasig po syang nag-pa-practice araw-araw. Sa halip hinarap nyang malakas ang loob ang mga problema, balakid, hadlang, mga paghihirap, at lalo pa nyang pinagbuti ang kanyang pag-eensayo. Kahit may asthma sya, hindi ito naging hadlang sa pagtupad ng kanyang mga pangarap. Sa halip pinagkuhanan pa nya ito ng lakas para sya ay maging matagumpay sa larangan ng figure skating.
Sabi ng mga commentators sa TV malaki po ang posibilidad at potential ni Michael na maging successful and celebrated figure skater in the future dahil po sa kanyang angking galing, talento, at talino. Within a small amount of time he mastered the craft of the sport with grace and finesse as evidenced by his rawness in presenting his program. Madali po syang matuto at umintindi sg mga pangaral sa kanya ng kanyang mga coaches. At sinasabi din nila na sya ay maging isang malaking potential winner sa hinaharap. Oh di ba..... nakakataba ng puso ang mga comments na ito? At sana after the Olympics tutulungan po si Michael sa kanyang mga pangangailangan lalo na sa tulong pinansyal ng mga taong may simpatiya sa kanya. (Isa na ako doon sa mga naniniwala sa kanyang kagalingan.) At malamang sa 2018 Winter Olympics na gaganapin sa Pyeongchang, South Korea ay magkakaroon tayo ng pinaka-aasam na gintong medalya dahil sa napaka-exceptional na batang ito.
Sa Sochi nag-skate sya sa short program ng makabagbag damdaming "Romeo and Juliet" at napaka-emotional, artistic, at napaka-expressive po ang kanyang presentation na lalong ikinabilib ng mga taga-media. Ang kanyang mga spins ay exceptional at ang kanyang mga jumps ay napakataas at pag na-polish po ito ay lalo pa syang gagaling at tataas pa ang kanyang scores at ranking. Despite for the minute spill sa kanyang presentation ay nairaos rin ni Michael ang napakaganda at napaka-bighaning short presentation program. Ang kanyang trademark Bielman spin ay napaka-flawless at ang kanyang leg lifts ay napaka-flexible po. Ang score nya sa short program ay 64.81 na syang pinaka-matass nyang score sa program na ito in his entire career compared noong una na he always averaged 55-58 points.
Ang kanyang free skate o long program ay also very good. At nairaos nya rin ito nang maayos with some minor trips and faults na hindi naman masyadong mahalata. Ngunit obvious po na he struggles on doing the double jumps pero sa kabuuan ay malinis naman ang kanyang presentasyon. Hanep ang kanyang mga jumps at spins lalo na ang Bielman spin sa huli at ang tinaguriang "Mr. Frick" move. Hahaha. May originality po sya sabi ng mga commentators which will propel him to stardom in the future. Hanep talaga ang mga commentary sa kanya. Nakakataba ng puso. I'm so proud of him talaga!
Pati ako ay napahanga sa kanyang angking galing, para tuloy gusto kong yakapin ang TV kanina. Ang kanyang long program ay Spanish inspired na sayaw titled "Malaguena." Mabilis ang tempo ng musika at puro trumpets ang tumotoka, nakakaindak at very touching. Flawless din ang kanyang mga jumps and spins tapos he held the positions for a long long time. Na-trip din sya dito nang konti (na hindi naman masyadong halata) pero marami pa rin ang pumapalakpak sa kanyang napaka-ibang long program presentation, including me specifically. hehehe. Magaling po talaga sya. Naka-score sya ng 119.44 sa free skate. At ang general total score nya ay 184.25 points (64.81 sa SP and 119.44 sa LP) putting him in rank 19 among 30 experienced skaters with him as the youngest and inexperienced one. He really put a good show as well as did his very best to go through the finals.
Nakakatuwa naman at may isang Filipino na tumatayo ng bandila ng Pilipinas sa Sochi Olympics kahit na hindi naman umuulan ng snow sa Pilipinas. At hindi lang sya nandoon kundi dahil sa kanyang angking galing sa pag-e-skate kung di dahil sa kanyang passion at pagmamahal o pagtangkilik sa sports. Ipinakilala nya sa buong mundo na ang mga Filipino ay well-rounded athletes kahit walang Winter dito. Marami ang natutuwa din sa kanya sa social media at nagdadasal para sya ay makapag-present ng maayos at maganda. I was even mesmerized by his raw talent and acting prowess. Salamat kung di dahil sa kanya hindi nakilala ang angking galing ng mga Pinoy sa figure skating. Mabuhay ka Michael Christian Martinez!
Sa ngayon medyo naging controversial si Michael dahil sa kanyang napaka-exclusive na istorya at galing. Dala nya ang karangalan ng Pilipinas dahil sa pagpunta nya sa Sochi Olympics to compete despite sa mga issues at hadlang sa kanyang paglakbay para maabot lang ang kanyang mga pangarap. At hindi po sya naging pabaya sa kanyang mga tungkulin at goals. Michael Christian Martinez, isa kang bayani na dapat tularan ng mga batang Pilipino. Salamat sa iyong humility at kabaitan na ipinamalas sa amin. Mabuhay ka kapatid! You are the rising star of the Philippines figure skating and I just can't wait for your growth to conquer the world with your figure skating skills in the near future. Good luck!
No comments:
Post a Comment