Hay naku.... di ako makatulog. Galing ako ng clinical rotation ko ngayon sa Los Angeles Community Hospital at hanggang ngayon ay dilat na dilat pa rin ang aking mga mata. Parang hindi lang ako nagtrabaho kagabi. Heto paang bangag pero aware pa rin ako sa aking paligid.
Umuwi ako sa bahay para matulog ng konti kasi may trabaho ako ng alas-siete mamaya pero hindi ako dinadalaw ng antok. Ganadong-ganado yata akong mag-gym so nagbihis na lang ako at umalis papuntang gym para naman hindi masayang ang aking oras. Rest day ko kasi kahapon kaya kailangan kong pumunta sa gym ngayon para magbinat. Kailangan kong magpawis para tuloy-tuloy ang aking pag-lose ng timbang.
Pagdatng ko ng gym, iniwan ko sa locker room ang aking mga gamit at nag-ready nang umakyat para mag-cardio exercise. Nag-stretch muna ako ng tatlong minuto tapos sumakay na ako sa stationary bike at nag-pedal. Tumagal ako doon ng biente minutos tapos pumunta ako sa likod para mag-treadmill. Nagawa ko namang maglakad sa treadmill ng thirty minutes tapos nag-jogging ako sa track.
Umikot ako ng limang beses sa track at ito ay aking inorasan. Nakuha ko ng five minutes and 48 seconds and five lapse at ito ay aking i-beat araw-araw o sa tuwing ako ay pumupunta dito para naman ma-challenge ko ang aking sarili. So far okay naman ang lahat-lahat.
Pagkatapos kong mag-lapse sa track dumayo na ako sa mga weight machines. Pumunta ako sa triceps pull at nung doon na ako may naispatan ako na poging itim at matangkad sya. Kinindatan nya ako at nag-smile naman ako sa kanya. Tapos yun lang at walang nangyari. Parang friendly wink lang kumbaga. Hehehe.
Nag-exercise ako sa triceps at biceps machine at tinuunan ko nang pag-eensayo ang ako mga braso sa araw na ito. Nakagawa naman ako ng tatlong repititions sa dalawang machine tapos bumaba na ako para gamitin ang pectoral machine. Doon nag-reps ako ako ng tatlong beses. Masakit ang akingmga pecs tanda na ito ay narerecruit na at nagsimula ng magrespond sa exercise.
Pagkatapos ko doon lumipat naman ako sa may thigh machine at gumawa naman ako ng five reps kasi medyo na-inspire ako ng konti kasi lumalaki na ang aking mga thighs. Medyo mabilog na ito at para na ring narecruit din ito. Tuwang-tuwa naman ako sa aking progress at ipagpatuloy ko na lamang ito hanggang sa madevelop na ng maayos ang aking mga muscles. It will take time though but I am patient. Hehehe.
After doon sa baba umakyat na naman ako at nag-stretch sa may stretching place tapos napansin ko na medyo maaga pa so nag-decide uli ako na tumakbo sa treadmill ng mga twenty minutes hanggang sa maabot ko na ang oras g aking paglisan o pag-uwi kasi magbibihis pa ako para sa trabaho. Naku.... medyo ginanahan yata ako at na-extend pa hanggang thirty minutes ang aking pagtakbo. I really really feel good kanina.
Salamat naman at maayos na ang aking pakiramdam kasi nakapagkilos na naman ako at medyo pinawisan din. Salamat talaga at nagdecide akong pumunta sa gym. Medyo gising na gising talaga ako at wala ng pag-asa pang makatulog pa kasi medyo gahol na rin ako sa oras dahil magtatrabaho na ako in one hour. Pero haping-hapi ako kasi nakapag-exercise na naman ako. Yay!
No comments:
Post a Comment