Sa ngayon medyo nagse-see-saw ang aking gym visits dahil nga 18 hours akong nagtatrabaho ng weekends so medyo mahirap pumunta ng ganung mga araw dahil nga sa pagod-na-pagod na talaga ang katawan ko. Tapos di pa ako makatulog dahil nga dilat-na-dilat naman ang aking mata. Kahit anong pilit kong matulog ay di talaga maipikit ang mga ito. Nakaka-dyahe nga eh. Kung minsan ay isa o dalawang oras na lamang ang aking tulog. Basta makalatag na lang sa kama ang katawan ko at makapahinga okay na yun...... pero alam kong hindi dapat.... haist.
Pero pag Lunes hanggang Biyernes ay nakaka-exercise naman ako kahit man lang gumawa ng cardio exercises dahil yun talaga ang mabilis magpapayat sa ken. At least ba, kumikilos ang aking katawan ang nabu-burn ang mga calories, tapos medyo tone down na rin ang aking kain at portioned ang mga ito. Hindi talaga ako masyadong nabubusog kasi nga maliit lang ang portion. Happy na ako kung makapag lose ako ng four pounds. Kahit paunti-unti lang at least trending. Pero medyo mahihirapan ata akong mag-lose ngayon kasi nag-we-weights na ako at medyo nararamdaman ko na nag-dedevelop na rin ang mga muscles ko. Gusto ko kasi lumaki ang pecs ko kasi medyo fatty sya ngayon. Gusto ko lang maging lean....
I hope ang weekend off ko sa exercise ay makapagbigay naman ng rest sa mga muscles ko. Hindi ko lang alam kong nadedevelop ang mga muscles kasi pakiramdam ko ay palaging sore ang katawan ko sa tuwing gigising ako kinaumagahan after I went to the gym a day before. I hope naman kasi at least may development naman ang aking mga hirap. Naging impatient na nga ako minsan kasi feeling ko hindi umuusad ang aking pinaghirapan. Pero alam ko naman na mabagal na process ito and it takes years to see the result. Kaya ipagpatuloy ko lang ang aking ginagawa. Continue ko lang ang pag-exercise. At least pinapawisan ako araw-araw at medyo konting tiis lang. Hehehe.
Oo nga, kasi medyo naaburido talaga ako minsan. One time nga medyo sore na talaga ang katawan ko at feeling ko baka lalong masakit pa kung i-exercise ko pa pero sa halip pinilit ko talaga ang sarili ko para makapag-exercise. Ayun nung mag-start na akong mag-stretch bago mag-exercise medyo nawala lahat ang soreness at nakapag-exercise pa ako ng two hours with less pain. Hay naku.... nakaka-surprise talaga kung minsan. Sa ngayon.... medyo naiintindihan ko na palagi talaga akong mag-stretch palagi before and after doing an exercise kasi talagang nakakatulong talaga. Medyo...... ang journey ko ay isang learning process din. Marami talaga akong natutuhan. As in..... talagang-talaga. Natutuwa naman ako.......hehehe.
Isa pa sa stretchig medyo may improvement na rin. Noon medyo stiff at matitigas ang aking mga paa at likod hay sa ngayon medyo flexible na po at medyo nawala na rin ang mga sakit sakit sa likod at katawan dahil dito. Nakakatulong talaga ang stretching. Ngayon ko lang naintindihan kung bakit palaging mag-stretch bago at tapos mag-ehersisyo. Kailangan talagang gawin yon. Kaya ako nag-aalot talaga ako ng ten minutes sa stretchings. So sa ngayon balak ko na ring mag-yoga. Hayaan mo pag may time mag-hahanap ako ng klase para matutunan ko na rin ito. Yay!
Sa ngayon ang bilbil ko sa tiyan ay medyo umimpis na rin. Although meron pa rin ng konti pero medyo may pagbabago na ring nagaganap sa tiyan ko. At least lumiit naman ito. Salamat naman at nakakatulong naman ang Hydroxycut at Zantrex. Napapabilis ang metabolism sa aking katawan at medyo nararamdamn ko na parang bumibilis ang aking metabolism kagaya ng isang makina na patuloy sa pagtatrabaho. Nakakatuwa talaga..... hahaha. I am reallyproud of myself for the effort. Sanan tuloy-tuloy na po ito.
Willing naman akon mag-antay basta papawisan lang ako araw-araw okay na sa akin. Kahit nga pag-break o rest day ko nag-weweights pa rin ako ako nag-ka-crunch sa bahay para man lang mapabilis ang aking metabolism at para naman hindi ma-slowdown ito. Salamat nama at effective ito. Thank God! Hindi na ako makapag-antay in two months time to see the result. I am very excited for that day. Reaching my ideal weight will be the most refreshing day of my life kasi I am healthy once again. yay!
No comments:
Post a Comment