Yehey! Tama ang hinala ko na manalo ka Pacman. Sino ba naman ang hindi mag-aakala na hindi ka manalo eh puspusan naman ang iyong pag-eensayo. And mind you, talagang determinado kang mabwi and championship belt ng welterweight division. Pero ha, alam kong pinahirapan ka talaga ni Tim no? Hehehe.
Hindi ko napanood ang iyong laban dahil nasa trabaho po ako pero masugid ko namang nabasa ang mga reviews ng yong laban. Malupit and hagupit ng iyong bangis. Datapwat ikaw ay pinupugay ng lahat ng iyong mga fans sa buong mundo. Peor sa kabila ng iyong tagumpay may mga eksperto pa ring nagbabatikos ng iyong pagkapanalo. Hay naku wag mo na lang pansinin ang mga yan. Ang importante ay legitimate ang iyong pagkapanalo dahil nagbigay kaw ng hindi makalimutang mabangis na laban na inenjoy naman ng lahat.
May mga nagsasabing talagang all out ang iyong kumpiyansa sa laban na ito. Bawat suntok at tama ng yong kamao ay talagang napakapulido. Napakainit at napakabangis ng iyong tapang sa mga panahon na ito. At kayong dalawa ni Tim ay nagbigay ng akmang kasiyahan sa mga nanunood sa HBO ng isang magandang laro na sinsabi ng mang manunood na pinakasulit nilang binayad sa cable company. Sayang nga lang at hindi ako nakapanuod.
Pero sa aking nababasa sa mga reviews para na rin akong nanuod dahil minute per minute, round by round and kanilang pagbatikos sa laro. Mas naeenjoy ko ang pagbabasa kesa sa manuod at nakaupo nga lang sa harap ng telebisyon. Ako po ang taong mahilig magbasa at kahit ilang oras pa akong nakahilata sa kama o nakaupo sa sahig o silya o sofa ay mas malaks pa rin ang udyok ng aking sarili na magbasa at magbasa. Nakahiligan ko na kasi.
Salamt sa karangalan na binigay mo sa aming mga Pilipino. Sana patnubayan ka nawa ng Diyos sa iyong mga laban sa hinaharap at sana ay manatili kang nakaapak sa lupa at mapag-unawa sa kapwa. Kaya ikaw ay biniyayaan ng ganitong malaking kasikatan. Hanga ako sa iyo at nakaka-inspire ang iyong mga pinagdaanan.
Pero ang scene stealer ng iyong laro ay si Mommy Dionisia. Hahaha. Natatawa naman ako sa mga nababasa ko at napakaliwanag naman ang kanilang pagbatikos tungkol sa kanyang mga mannerisms. I can relate kasi may auntie din ako na ganyan. Hahaha. Pero nakakatuwa lang ang pag-criticize kay mommy kasi masyado naman syang ginawang villain. Hahaha. Sa akin lang ha.... cute sya. Hehehe. Hay naku si Mommy Dee talaga oo. Mabuhay ka Mommy Dee... hahaha.
Hayan nanalo na naman si Pacman at alam kong may isang taong masaya na naman sa kanyang pagkapanalo. Siguradong matutuwa na naman sya dahil may pagtutuonan na naman sya ng pansin. Ito ay walang iba kung di ang buwayang-buwitre na Director ng BIR walang iba kundi ang kuwagong si Bb. Kim Henares. Masyado na kasing nakakasuka ang kanyang mga ginagawa. Wala na syang hinahabol kung di ang mga taong nagpapakahirap maabot lang ang tagumpay at mabigyan ng karangalan ang bansa. Walang hiya sya!
Hahahaha..... ang puso ko. Haist. Anyways, at least masaya na naman ang lahat sa buong mindo sa iyong pagkapanalo Pacman. Salamat sa karngalang inalay mo sa amin. Mabuhay ka Manny "Pacman" Pacquiao. Isang kang magiting na halimbawa sa bawat Pilipino sa buong mundo. Mabuhay tayong lahat!
No comments:
Post a Comment