Saturday, April 12, 2014

Good Luck Pacman!

Nakalimutan ko pala na ngayon pala ang boxing rematch ni Manny Pacquioa and Timothy Bradley. Hahaha. Well, hindi naman ako makapanood kasi weekend on naman ako. I hope manalo sya at masungkit nya uli and medalya na dapat ay sa kanya talaga matapos nung dinaya sya sa first boxing match nila. At sigurado naman ako na magawa nya yun kasi feeling ko naman na invincible naman si Manny. Maganda naman kasi daw ang kanyang pag-eensayo. Sana naman.

Na-observe ko lang ha. As I am browsing my facebook stream makikita ko naman na ang aking mga friends ay nakatutok talaga sa laro ni Pacman. Lalo na ngayon sa Pilipinas. Siguradong inaabangan din ito ng maraming Pilipino sa buong bansa. Iba kasi ang hatak ni Manny sa masa lalong-lao n apag sya ay naglalaro. Ay mg Pinoy ay talagang nakatutok talaga sa kanyang laro sa TV.

May mg arepost nga noon na nagpapatunay na sa tuwing sya a lumalaban ay kumukonti raw and krimen sa Pinas dahil lahat ng tao ay talagang nakatutok sa telebisyon. Ganun kalakas ang aura ni Pacman sa masa. Kaya manalo o matalo ay talagang sinusuportahan talaga sya ng mga tao kasi idol sya ng masa. Nakakabilib kasi ang kanyang kwento at paghihirap para lang maabot ang kanyang mga pangarap. Marami ang nakikipag-simpatiya sa kanyang mga paghihirap. Sya ang taong nakapag-inspire sa lahat. Salamat Manny sa iyong alay sa bansa.

Sa ngayon ay kasalukuyang naglalaro si Pacman sa Las Vegas at ako ay taimtim na naghihintay ng resulta habang ako ay nagtatrabaho sa pamamagitan ng pag-che-check ng mga entries sa Facebook ng aking mga kaibigan na nanunood ngayon. Hahaha. Wala na yata akong magawa dito sa trabaho. Nag-babantay kasi ako ng tatlong residente dito na kailangang manmanan dahil sa peligrong mahulog sila sa kwarto. Si basically, nag-be-babysit po ako ngayon hanggang sa sila ay pwede nang ilagay sa kama during bedtime. Haist....

Nakaka-bored naman kaya inaabangan ko na lang ang mga postings sa Facebook. Malayo pa ata matapos ang laro so aabangan ko na lang mamaya. Tinapos ko na lang ang incident report na dapat kong gagawin dahil sa hindi ko natapos kagabi dahil ang computer ay downtime for update. Sa waks natapos ko na rin ang report habang ako ay nagbabantay ng tatlong pasyente sa nursing station. Hay naku nakakabaliw na ang sitwasyon dito sa trabaho. Di ko na alam ang aking gagawin.

Anyway, aantabayanan ko na lang po ang resulta ng boxing match. Magtatrabaho muna ako dito. Magandang gabi po sa lahat. Sana manalo naman si Pacquiao ngayong gabi. Manalangin po tayo para kanyang tagumpay at sa tagumpay nating lahat na mga Pilipino. yay!

No comments:

Post a Comment