Sa ngayon ay medyo okay na po ang aking pakiramdam. Nawala na po ang konting pamamaga sa tuwing ako ay pumupunta sa gym. Medyo nasanay na rin po ang aking katawan sa pag-eehersisyo. Salamat naman at hindi na masakit ang aking mga muscles palagi. Ang stretchings po ay isang malaking tulong sa pagpahid ng sakit at pamamaga sa katawan kaya palagi ko po itong ginagawa bago at matapos akong mag-exercise.
Sa ngayon, nami-maintain ko na rin po ang aking weight at medyo gumaan na rin ang aking pakiramdam palagi. Hindi na rin po ako stress gaya ng dati. Feeling ko po kasing mataba ako pag hindi ako pumunta sa gym para magpawis at kumilos. Iba talaga ang pakiramdam ko pag nakapag-exercise po ako. Feeling ko po... I'm always on top of the world. Parang high po ako.... hahaha... Ewan ko ba.
Sa tuwing ako ay bumabalik sa gym naaaninag ko ang aking sarili at ang aking mga goals na na-setup. Di ko nga akalain na mag-lose ako ng timbang nang ganun kadali. Kung ano man ang nangyari, nagpapasalamat ako sa aking Panginoon sa pag-inspire sa akin na mag-exercise at kay Lucas po na naghimok sa aking bumalik sa gym. Napakabilis po ng pangyayari pero ang una ko talagang naisip ay talagang sulit na sulit po ang aking pagpapawis. At ito ay aking ipagpatuloy lamang hanggang maabot ko ang aking ideal weight. Siguro ako na ang pinaka-masayang tao dito sa mundo kung mangyari iyon.
Oo nga, di biro ang magbawas ng timbang. Dadaan ka muna sa butas ng karayom bago mo makuha ang mga ito. Sa ngayon, nag-umpisa na po akong magbuhat ng weights para mag-bulk up ng muscles at magkaroon ng lakas o power. So far okay naman ang aking pag-eensayo. Kaso marami talagang sagabal sa buhay. May sakit, mayroong mga injury, may mga bagay na hindi maintindihan, pressure sa trabaho at iba-iba pang mga stressors. Ang gout ko po ay palaging nag-bo-bother din sa akin. Ah ewan talaga.
Nitong mga nakaraang araw lang, ay umalma na naman ang bwisit na gout na ito sa aking kaliwang paa. Masakit po talaga.... kung alam nyo lang. Hindi po ako makapaglakad ng maayos at the same time makapag-exercise. Kaya naudlot po ang aking pag-gi-gym. Parang nadaganan ang aking didbdib ng isang napakalaking elepante. Nakakatakot! Hindi biro ang may-gout talaga. Matagal po ang recovery at ito ay nakasagabal sa aking mga routines at sa trabaho.
Kaya nag-weights muna ako hanggang okay na ang lahat para makatakbo ulit. Ang aking mga thighs at triceps ay kasalukuyan kong pinag-tu-tuonan ng pansin dahil kailangan ko ito sa aking pagtatakbo. At the same time ang aking pecs ay gusto ko ring magkamasel kasi po sa mga taba sa may bandang ilalim po ay nakakainis tingnan. Hehehe. So far, di na ako hinahapo sa pag-akyat sa hagdan at pagbuhat ng weights. Proud po ako sa aking sarili. Kahit anong mangyari I wont budge po sa aking pag-eensayo.
May mga time po na tinatamad akong pumunta sa gym pero palagi ko pong pinipilit ang aking sarili at kung minsan po ay kinakaladkad ko na po ang aking sarili para makapag-ensayo po. At aking napansin po na kapag nasa gym na po ako at naumpisahan ko na po ang aking mga routines lalo na po ang warm-ups at stretchings ay bigla pong nawala ang aking pagkatamad sa halip ay ginanahan pa po akong mag-exercise. Kataka-taka po pero yan po ang totoo. Ganun po ba yun? Nagtataka lang po ako.
At least sa ngayon po ay tuloy-tuloy na po ito. Sana po palagi na lang ganito para naman maging healthy na ako. Ayoko na pong bumalik sa depression at tumaba uli. Ayoko na pong hinahapo sa tuwing ako ay aakyat sa hagdan. Ayoko na pong magkaroon ng low self-esteem dahil po mataba po ako. Ayoko pong magkasakit pag tumanda ako. Ayoko po ng ganun. Gusto ko pong maging healthy at hindi magkaroon ng komplikasyon balang araw. Nag-iisa lang po ako at ayoko pong mamatay ng maaga.
Ang nakakatuwa po kasi pag pumunta ako ng gym ay nalilibang po ako. Nalilibang po akong manood sa ibat-ibang klaseng tao. May mataba, may payat, may maskulado, mayroon namang over ang muscles, may guapo, mayroon namang pangit, may ubod naman ng guapo, at may ubod naman ng pangit. Hahaha. Kaya expert na po akong mangilatis ng mga pisikal na anyo ng tao. Hahaha. Ang hindi ko lang po nakikilatis ay ang mga ugali ng mga tao kasi po hindi ko po sila nakakausap palagi para ma-judge kung anong klaseng tao sila. Pero minsan may mga tao talagang nagbibigay sa akin ng masama at mabuting impresyon. Although hindi po reliable yun kasi alam ko na sa umpisa ay hindi mo talaga ma-judge ang isang tao sa iisang aspeto lamang.
Gaya ko po, ang unang impresyon sa akin ng tao ay suplado dahil po palagi po akong nakasimangot at hindi ngumingiti. Pero deep inside po ng simangot na yan ay isang mahiyain at napaka-reserve po na tao. Timid lang po ako sa umpisa pero pag nakilala mo na kinalaunan ay mapatawa ka sa aking mga on the spot na jokes na hindi ko alam kung saan galing. May talent ata ako sa mga jokes... lalo na ang mga green jokes? Hay naku mangisay ka sa sahig sa katatawa. Talaga...... hehehe.
So far, yan lang po ang updates ng aking pag-gi-gym. Palagi ko po kayong i-a-update so just hang on there. Malapit na po ang second forty days at malapit na rin pong ma-compare ko ang aking hitsura o srili from last time na nag-post ako ng aking pictures. Ingat po kayo at mag-a-update-tan na naman tayo sa uulitin. Magandang araw po sa inyong lahat dyan. Salamat po sa lahat!
No comments:
Post a Comment