Sa ngayon, mag-ba-blog muna ako sa Tagalog kasi masyadong ma-express ko nang mabuti ang aking sarili sa aking wika. Sorry sa mga hindi naka-intindi. Taos-puso po akong humihingi ng paumanhin sa inyo.
Marami nang mga bagay ang nagyayari sa akin ngayon at hindi ko na lubos maisip ang aking gagawin. Pero isa lang ang aking pinaghahawakan ng lakas. Ang aking disiplina sa sarili, ang aking talino, at ang patnubay ng Poong Diyos na Maykapal. Marami na ring mga pagsubok ang dumaan sa aking buhay at ang mga ito ay aking napagtagumpayan. Salamat sa mga taong bumubuhay sa aking pananalig at bumuo ng aking determinasyon. Alam nyo na po kung sinu-sino kayo. Mula sa aking puso, maraming maraming salamat po.
Sa ngayon, ako po ay taimtim na nag-ehersisyo para po bumaba ang aking timbang. Inumpisahan ko po ito nung isang taon, mga December 20 po, at sa ngayon ay regular ko ping sinusunod ang aking routines. Salamat naman at may kaunting changes naman sa aking pisikal na anyo at ako ay nagagalak sa mga pagbabago. Nabuhay uli ang aking compiyansa sa sarili at ang aking pananalig sa Maykapal. Wala na po akong mahihiling pa kundi ang patuloy na patnubay ng Panginoon para palagi ko pong madisiplina ang aking sarili sa mga indibidwal na routine sa aking routine.
Isa pa sa mga taong pinaghuhugutan ko ng lakas sa paglalakbay na ito ay ang aking long distance personal trainor. Siya po ay nakilala ko nung nagbakasyon ako sa Cancun. Nagkaroon po kami ng agreement na patnubayan nya po ako sa aking mga routines at usisain ako awar-araw kung ginagawa ko ang aking training o programa. Sa aking palagay po ay nakakatulong po sya para ma-encourage po ako na tumayo at kumilos at wag pabayan ang aking sarili. Siya po ang naka-inspire sa akin para gumawa o gawin itong disiplina na ito na akin namang ikinatutuwa.
So far, regular ko namang sinusunod ang mga regimen na kanyang nirerekomenda. Na-regulate ko na rin ang aking pagkain at ako naman ay disiplinado sa mga ito. Naramdaman ko naman ang mga pagbabago sa aking sarili and ako ay natutuwa naman. Di na po ako makapag-antay sa talagang maging resulta ng paglalakbay na ito pero sa totoo lang po ako po ay nagagalak talaga. Wala na pong akong hihingin pa kundi maging totoo sa aking mga routines at sana ito na po ay pangmatagalan.
Sa tuwing nasa gym po ako ay kakaiba po ang aking naramdam. Para po akong ginaganahan sa pag-ehersisyo. Puro po cardioo ang aking ginagawa kasi plano ko po ay magbawas muna ng timbang bago mga-weights at mag-develop ng muscle. Sa tulong po ng mga mungkahi ng aking long distance trainor ay nasa kaituparan ko rin po ang mga ito ng maitawasay.
May isang punto po na na-injure ako at ako po ay medyo napalihis ng konti sa aking mga routines dahil po sa tindi ng sakit. Na-twist ko po ang aking ankle at na pull ko po ang isang muscle sa paa. Ang sakit sakit po pero hindi po ako nawalan ng pag-asa. Kahit papilay-pilay po ako ay hindi po ako nahihiyang dumulog sa gym para kumilos at gumawa ng mga magagaang ehersisyo para lang po ako ay pawisan.
Sabi po ng trainor ko ay kailangang ipahinga ko po ang injury pero ako po ay nagmatigas kasi po ang dahilan ko po ay ayokong maudlot ang aking naumpisahan at uumpisa na naman ako pag ako ay tumigil. Ayoko pong mangyari yon.
So far sa ngayong week, ay medyo maayo ayos naman ang aking feeling at ako po ay nakapag-cardio na ng maayos although di pa po ako nakapagtakbo ng mabilis. Pero medyo makaya kaya ko na po. Hopefully, next week ay maging back to old routine na po ako. Medyo napansin ko na po na tumaas ang energy level ko at medyo humuhubog na rin po ang abs ko. Hehehe. Sa edad kong ito, parang hindi po kapanipaniwala. Hahaha.
So sa ngayon, ay ipagpatuloy ko lang po ang aking routines at balitaan ko na lang po kayo sa aking progress. Salamat po sa inyong pagsusubaybay at naway kayo po ay magkaroon ng matiwasay at tuloy-tuloy na araw. Paalam!
No comments:
Post a Comment