Kamusta na po mga kapatid? I hope okay lang po kayo riyan. So far, andito naman ay medyo matiwasay naman at wala namang gaanong masamang nangyayari. Heto nagmamatyag lang kung ano ang dapat gawin at kung ako ang hindi dapat.
Kahapon ay medyo tinatamad akong pumunta sa gym pero nakapunta rin matapos dampian ng konting pagka-guilty. Pinilit ko lang kasi ang sarili ko kahapon kasi medyo nabusog yata ako sa kinain ko kahapon.
Kahapon kasi ay "cheat day" ko. So malaya akong makakain ng kanin. It's been two weeks na kasi na hindi ako nakakain ng kanin so pagkatapos ng lecture ko kahapon sa school ay dumaan ako sa BJ Bibingkahan sa may Carson while on my way at nag-order ng tortang talong at binagoongang baboy with matching two scoops na kanin. Isang scoop lang nga ang kinain ko dahil na-guilty talaga ako sa sarili ko. Hehehe.
Mantakin mo matapos tatlong linggo na pagpapakahirap ay sasayangin ko lang ang aking pagod. Tapos eto ako nagpapakabusog, nagpapataba, nagpapakababoy, at kung ano ano pa. Nakakahiya di ba?
Umalis ako sa BJ na busog kaya nung nakauwi ako ay medyo tinamad na talaga ako dahil nga sa medyo sore na nga ang katawan ko from the workout kahapon. Pero na-guilty pa rin ako pagkatapos kong magpahinga ng may isang oras kaya umalis ako ng bahay ng mga pasado alas otso na, dahil hiyang-hiya ako sa sarili ko.
Nung nasa gym na ako ay medyo ginanahan din akong mag-exercise. Nakapag-bike pa nga ako ng 20 minutes tapos nakapag-jog ng 40 minutes. Pinawisan din ako ng todo after that. Ganun pala ang feeling pag-determinado.
Para nga akong bangag kahapon pag-alis ko ng gym dahil parang gusto ko pang mag-exercise pero magsasara na ang gym. Nakailang page na rin ang reception na malapit na ang closing time. Ganun pala kapag inumpisahan mo na ay parang hindi ka na hihinto. Di ko alam kasi eh.
Oo nga, sabi ng distant physical trainer ko marami talagang balakid sa aking mga goals. Kaya nga ay palagi lang akong focus sa aking mga objectives. At salamat naman at disiplinado naman ang aking sarili although paminsan minsan ay hindi talaga maiiwasan ang mag-procrastinate. Sinanay ko kasi ang sarili ko sa pagpapabukas palagi (manana habit). Pero at least ito ay unti-unti nang nawawala sa aking system. Hopefully in the following months ay ayos na ang lahat.
Tinimbang ko kahapon ang aking katawan at ako po ay nakapag-bawas ng halos 16 pounds in less than a month. Masaya ako kasi napakalaki ang nabawas sa akin. At balak kong bumalik sa aking ideal weight na 150 lbs. Pero medyo mahaba pa yata ang lalakbayin ko. Pero ayos lang.
Sa umpisa ay feeling ko na napaka-impossible gawin ito pero sa trend ng aking progress ay malamang na makakaya kong abutin ang aking goal. Nararamdaman ko naman na medyo gumaan-gaan ang aking sarili at medyo nangangayayat na rin ako ng may katamtaman lang.
Sa ngayon ay ipagpatuloy ko lang po ang pag-ehersisyo para sa malusog na pamumuhay. Salamat naman sa mga taong tumulong sa akin lalo na si LL (my distant personal trainer) na palaging nag-momonitor sa akin via "Whats App". Kung wala po sya ay hindi ko po maabot ang pangarap na ito. Maraming salamat po!
No comments:
Post a Comment