Sa ngayon ay medyo mahina ang aking progreso sa aking pag-ehersisyo pero ginagawa ko ang aking makakaya para hindi ako malihis sa aking mga patakaran. Sana nga po ay maging sunod-sunod na ang aking pagpupunta sa gym para magkatotoo naman ang aking mga objectivo. At least ngayon hindi na masyadong namamaga ang aking mga masel pagkatapos kong mag-exercise. Salamat naman.
Noong nag-uumpisa pa lang akong mag-ehersisyo halos dalawang linggo din akong nagtiis sa mga pamamaga ng aking aking katawan. At least ngayon na-overcome ko na at medyo hindi ko na naramdaman ang pamamaga. Sa unang araw lang pagkatapos kong magpahinga para sa aking rest day pero pagkatapos nun wala na.
Medyo nag-fofocus ako ngayon sa pagbabawas ng timbang kaya puro cardio exercises muna ang aking ginagawa at ang pag-me-maintain ng aking balance kasi nga sa aking problema sa paa dahilan sa neuropathic pain. Hanggang ngayon kailangan ko pa ring uminom ng Neurontin araw araw para maibsan ang sakit dulot ng neuropathy. Other than that ay okay naman ang lahat.
Salamat naman at palagi naman akong sinusubaybayan ni Lucas sa aking mga routines at binibigyan nya ako ng mga advises kung ano ang dapat and hindi dapat gagawin. At least may isang tao na nag-mo-motivate sa akin para hindi naman ako mag-lag sa aking mga routines. So far so good naman. At nagpapasalamat talaga ako sa taong ito sa pag-ma-matiyaga nyang i-follow-up ako sa aking mga exercises araw-araw at pati na rin sa aking mga kinakain o diet.
Ngayon medyo nararamdaman ko na rin na nabawasan na rin ang aking timbang dahil na-feel ko na medyo gumaan-gaan ang aking katawan. Sabi nga ni Lucas kapag pinagpatuloy ko lang po ito ay magiging progressive at tuloy-tuloy ang aking development. Sana nga naman at tuloy tuloy na ang pagbabago na aking pinaka-asam-asam. Naway patnubayan po ako ng Diyos sa aking mga lakad.
Natutuwa naman ako sa aking mga nakikita at hindi naman ako nagiging pabaya sa aking mga tungkulin. Ako at ako lang po ang responsable sa aking mga kilos at wala nang iba pa. At sisikapin ko pong sundin ang aking mga resolusyon para lalong mapabuti ang aking sarili. At ako po ay taos pusong nagpapasalamat sa mga taong tumulong sa akin sa solong paglalakbay na ito. Sa aking mahal na pamilya at mga malapit na kaibigan na sadyang umiintindi sa aking sitwasyon. Salamat sa inyong taos pusong pag-uunawa at pagkalinga sa aking mga di inaasahang mga alituntunin.
Sa wakas ay may konting pagsulong naman ang aking paglalakbay tungo sa healthy na pamumuhay. Sana po ay tuloy-tuloy na po ito. Kahit konti lang ang progresso at least ito ay umuuusad. Naniniwala po ako na ang isang paglalakbay ay nag-uumpisa sa iisang yapak at ang aking pag-eehersisyo tungo sa matahimik na pamumuhay ay maiihahalintulad ko na rin dito. Naway ito ay maging masagana at mapayapang paglalakbay para sa akin. Patnubayan mo po ako Poong Diyos na Maykapal at aking mahal na Arkanghel. Magandang araw po sa inyong lahat!
No comments:
Post a Comment