Nandito ako ngayon sa trabaho at walang magawa. Nursing supervisor po ako sa isang convalescent center. Medyo magaan po ang trabaho ko dito compared sa teaching job ko. Nag-susupervise lang ko ako ng mg apractical nurses and CNAs. May mga paperworks din po akong ginagawa pero halos natapos ko na po lahat ang mga ito kaya ngayon ay medyo bored na ako.
Alas 12:47 ng umaga po ngayon at medyo naka-five hours na po ako dito kaya medyo tahimik na at ang mga residente ay halos natutulog na. Mga mangilan-ngilan na lang ang gising pero medyo matiwasay na po ngayon. Unlike kanina po ay kaliwa't kanan po ang mga tawag at problema. So far ayos naman po ngayon at wala namang problema. (Knock on the wood po. Kasi medyo maaga pa naman magsabi ng ganitong patapos.)
Sa ngayon nag-aabang na lang ako na matapos and IV antibiotic ng isang pasyente at medyo makakaluwag na ako after that. Wala namang gaanong big issue ngayon so medyo boring na rin. Natapos ko na rin ang mga assignment ng mga CNA's para bukas at basically wala na akong gagawin pa.
Yung mga pasyente na close monitoring ay na-monitor na rin. Halos lahat yata sa kanila ay tulog na. Hehehe. Kasama ko ngayong gabi ay sina Moises (in charge sa station 1) at Ate Flor (in charge sa station 2). Medyo maganda ata ang teamwork ngayon. At salamat naman sa mga malugod kong taga-subaybay. Halos okay naman ang takbo ngayon kumpara sa mg anagdaang araw.
Inaantay ko lang po na matapos ang IV antibiotic ng isang pasyente sa 218 at wala na rin akong gagawin after that. Bored lang talaga ata ako. Ti-next ko nga pala si Lucas at ako po ay nagpapasalamat sa kanyong mga kabaitan.
Sa ngayon ay medyo mabagal po ang usad ng oras. Pero tahimik naman at medyo maaya pa para magdiwang. Medyo pagod na rin ako dahil nag-tuturo pa rin ako sa Medical Career at kanina po ay nag-affiliate kami sa Los Angeles Community Hospital.
Na-assign po sa sa Acute Care Unit at kami po ay pinaghawak ng mga pasyente sa liod ng unit. So far medyo receptive naman ang mga estudyante at nakaraos din kami sa pagpapas ng mga gamot. At least may nalalaman naman ang mga bata sa clinical rotations dun. Ngayon ay pinag-aralan nila ang iba't-ibang sistema ng pagtackle sa mg problema.\
Yan ang gusto ko sa mga Ilonggo naka-ngiti pa rin kahit medyo galit na ito. Pero okay lang po. At least ang teamwork nila sa SUb-acute is really solid.
Oo nga, kahit saam ka pupunta meron at meron talaga na mga trouble maker at reklamo. Well, wala akong magawa kasi halos lahat yata ay maiingay. Pero okay lang. Salamat sa lahat ng pagsubaybay. So far tinutulungan lang po ako ng aking mga kaibigan kaya medyo blessed lang po ata ako. Salamat sa lahat sa pagtutok nyo sa aking blog araw-araw.
No comments:
Post a Comment