Sunday, March 25, 2012

Masakit Pero Kailangang Tanggapin

Nabigla ako sa di inaasahang balita na aking natanggap noong isang araw. Namatay daw ang aking bayaw (sister-in-law). Bigla lang daw ang mga pangyayari at ngayon ako ay napasubsob sa aking kama noong na-confirm ko sa Facebook na totoo nga.

Ang sanhi ng kanyang pagkamatay at massive bleeding sa loob ng kanyang utak malapit sa may Pons Vareli. Nagkaroon daw ng aneurysm o ang paglobo ng kanyang ugat sa utak at dahil sa matinding pressure ay pumutok ito at naging sanhi ng bleeding at biglaang pagkai-stroke niya. Ang sanhi ng aneurysm ay dahil sa matinding alta presyon sa katawan.
Kelan lang nag-text sa akin ang aking bayaw na hihiram sya ng pera para lang pambayad ng tuition ng kanyang bunso at pagtustos sa allowance the panganay na kasalukuyang nag-rereview sa kanyang board para sa nurse licensure. Hindi talaga ako makapaniwala.

Hindi pa nga kami nag-uusap ng aking kapatid dahil nga siguro sa iniiwasan nya ako nito dahil sa akalang sisingilin ko  sya ng kanyang hiram na pera noong isang taon bago sya sumakay ng barko. Ngayong nakuwi na sya ay ini-ecpect ko na babayaran nya ako ng kanyang utang. Eh papano nangyari na to.

Naisip ko lang kasi kung ang babae ang mabalo ay wala iting problema. Kasi noong ang aking Nanay ay nabalo noong mamatay ang Tatay sya ay nadalamhati ng todo. Tapos kailangan nyang tibayan ang kanyang loob. Naipatuloy pa rin nya na pangalagaan ang kanyang sarili dahil ang mga gawaing bahay ay routine na lang sa kanya dahil ginagawa naman nya ito araw-araw.

Pero noong ma-i-stroke sya ay hindi na nya maipatuloy pa ang mga ito at sya a nahulog sa angking kinang ng depression at unti-unti sya nag-deteriorate dahil sa kanyang depression.

Sa ngayon, aking napag-isip-isip kung ano na ang mangyayari sa aking kapatid ngayong balo na sya. Hindi sya sanay sa mga gawaing bahay dahil ang kanyang asawa ang gumagawa ng lahat. Tapos may dalawa pa syang mga anak na dapat i-supervise. Ano na kaya ang mangyayari sa kanila?

Iniisip ko lang kasi ang pagluluksa ang depende sa adjustment ng isang tao. Merong napadali ito meron namang napahaba. Noon mamatay ang Nanay naramdaman ko na hindi ako nagluluksa dahil tanggap ko na ang maging mangyari sa aking minamahal na ina. Umabot lang yata sa isang buwan ang aking pagluluksa.
Ano kaya ang mangyayari sa aking kapatid at sa aking mga pamangkin sa ngayong wala na ang aking bayaw? Ayoko lang kasing maghusga pero yan ang aking opinyon.

Masakit man ang mga pangyayari pero nararapat lang na tanggapin ito dahil hindi lang doon umiiot ang ating mga buhay. Depende lang ito sa ating adaptasyon sa ating mga paligid at sa ating coping skills. Sana nasa mabuti lang kalagayan ang aking kapatid at ang mga bata.

Sana okay lang sila and heto ako ngayon. Kailangang tatagan pa nila ang kanilang mga sarili at sana ay matanggap na nila ang pakay ng Diyos kung bakit nangyayari ang mga ito. Maraming salamat po!

No comments:

Post a Comment