Ewan ko ba , pero sa mga nakaraang araw medyo busy lang ako. Ni hugas ng singit ko di ko na magawa. (Wiz... totoo ba yun? Biro lag mga folks.) But anyway, wala namang special talaga eh. Medyo busy lang nga kasi dalawa nga ang trabaho at medyo nagahabol pa sa mga pangangailangang pinansiyal dahil nga kababalik ko lang galling bakasyon.
So far, medyo nakakahabol na rin. Marami na nga akong mga bills na nakaabang kasi nga medyo kinapos na ako. Pero okey lang kasi ang reserve ko ang nagsilbing pantapal muna. Buti nga at may savings pa ako. Paano na lang kung wala eh di katakot-takot na penalty or interest and aabutin nun. Well, ano ang magawa ko kung wala na talaga, ano.
So far so good, naman. At least nakabalik na ako sa trabaho. And of course patuloy na naman ang daloy ng pera. Wag lang akong magkkasakit or else another problem na naman. Ouch!
Yang problema talaga, talaga unpredictable., Bigla na lang susulpot ng di mo alam. Paano kasi yan talaga ang buhay. Kahit gaano pa ang pag-iingat mo ay dadating at dadating pa rin. Di sa pinapanalangin kong magkaroon ng problema pero ganun talaga. Hopefully, mga minor lang naman. Pero kahit na, problema pa rin yun.
Sa ngayon, ay abang mode muna ako sa mga balita sa Pilipinas. Ako'y natutuwa naman sa mga balita tungkol sa mga presidentiables. Makikita mo talaga na ang mga tao ay uhaw talaga sa pagbabago. I think, nagsawa na sila sa palaging promesa ng mga traditional na politiko (yung tinatawag nilang TRAPO bah).
But then, nakakatuwa talagang basahin ang mga articles tungkol sa mga kandidato. Sa akin, kahit sino ang Manalo basta uunlad lang ang bansa. Anyway, makikita mo talaga na ang mga tao ay gusto ng pagbabago at talagang itataguyod talaga nila ang kani-kanilang kandidato. Antabayanan na lang natin next year kung sino ang mananalo.
Okay, ngayong nakabalik na ako sa trabaho, nakilala ko ang bago naming administrator. At inalok ako na lumipat sa isang branch naming malapit sa apartment. Natuwa naman ako kasi hindi na ako magda-drive araw-araw ng napakalayo kasi malapit na lang sa bahay. Blessing in disguise talaga na nakilala ko sya. And mind you, pinsan pa sya ng tiyuhan ko sa Batangas. Small world talaga.
So, excited na talaga ako mag-transfer. Although panibagong adjustment na naman at least ang advantage ay mas mabigat sa disadvantage. Ganun talaga ang buhay. Paano ko matamasa ang progress kung hindi ko susubukan. Mahirap lang sa umpisa pero kakayanin ko hanggang sa maka-ayos na ako sa buhay. Hopefully, it will be an apt decision. God bless me please. Ciao!
No comments:
Post a Comment