Sa ngayon wala na yata akong maisip gawin kung di ang mag-isip kung ano ba ang aking isulat ngayon. Wala namang katakam-takam o kalunos-lunos na dapat isulat pero kailangan kong magsulat kahit isa man lang. Eto na lang kaya.... Hayaan ko na lamang kung saan ako dadalhin ng aking isip at kung ano na lamang ang ipokpok ng aking mga daliri sa keyboard. Kumbaga medyo freestyle eto.... medyo randomized thoughts ba.....
Ok... simulan na natin ang blog na ito. Unang-una ang buhay ko ngayon ay halos nakatuon na lamang sa trabaho. Imagine within seven days dalawa lang po ang off ko. Off po ako ng Lunes at Martes at ito ay ginugogol ko na lang po sa paglalaba kung Lunes at maybe pagliliwaliw kung Martes.
Tuwing Lunes po, sa umaga pag galing ako sa trabaho sa gabi umuwi na ako diretso sa bahay para matulog. Kung minsan pag sinisipag ay pupunta muna ako ng gym at mag-exercise ng dalawang oras tapos uuwi na at matulog. Paggising ko sa hapon ay uumpisahan ko na po ang aking laundry then mag-update ng news sa TV habang naghihintay matuyo ang laundry. Tapos sa gabi ay maaga po akong matulog para bumawi uli sa pagod ko sa pagtatrabaho over the weekend. Di biro po ang magtrabaho ng dalawang job sa weekend. Kung minsan kung di pa ako inaantok sa gabi ay manood muna ako ng mg apelikula sa Netflix hanggang sa makatulugan ko na lang po ang movie. Hehehe.
Kinaumagahan ay tatanghaliin akong gumising kasi sinusulit ko na po ang matulog kasi ito na po ang last day off ko. Kadalasan ako po ay gumigising ng alas onse sa umaga tapos po ay pupunta po kao sa gym para mag-jogging at swimming. Paglabas ko ng gym ay pupunta ako sa paborito kong restaurant sa Hollywood para kumain ng healthy. Tapos nyan ay pupunta ako ng library para magbasa at mag-aral sa aking lecture or clinicals the following day. Uuwi ako nyan ng hapon at mag-prepare ng aking mga pangngailangan for the next day then ipagpatuloy ko po ang panunood ko ng movie sa Netflix. Bihira na rin po aking manood sa sinehan ngayon kasi medyo mahal n apo ang entrance. Mas maigi na pong manood sa Netflix ngayon kasi halos bago na rin po ang mga palabas dito tapos marami pang mga indie films na mapapanood.
Tuwiing Miyerkoles, Huwebes, at Biyernes po ang aking klase sa clinicals kaya maaga po akong gumigising, mga banda alas kwatro para hindi ako ma-late. Sa simula gigising muna ako pero di pa ako aahon nyan. Nakadikit pa rin ang likod ko sa kama, tapos after 15 minutes tatayo na ako at pupunta sa kusina para mag-init ng tubig at magkape. Tapos bubuksan ko ang TV para manood ng konting balita sa umaga o di kaya buksan ang aking laptop at magbasa ng news sa Yahoo, either way. Tas nyan, mag-paplantsa na ako ng aking scrubs na isusuot para sa aking clinical duty.
Mga banda alsa singko-media, ay mag-shower na ako nyan at pagkatapos mag-toothbrush, then mag-lotion at mag-jell ng aking buhok. Di ko na bino-blow-dry ang aking buhok kasi maraming buhok ang nalalagas. Pagkatapos nyan ay magbibihis na ako at aalis na ako ng bahay. Pagkalabas ko sa porch titingnan ko kung may pagkain pa ang lalagyan ng aso tas punuin ko ng dog food yun tapos yung water container ay pupunuin ko din. Tas aalis na ako mg abandang alas sais-kinse.
Magda-drive ako nyan ng thirty minutes papuntang clinical site, which is malapit lang sa bahay, nasa La Brea Avenue lang kasi ang Hnacock Park Rehab so medyo hindi naman ma-traffic ang way, unlike sa mga lugar papunta sa Torrance, Playa Marina, or Long Beach. Pagkarating ko doon maghahanap pa ako ng parking, swerte ako kung may parking malapit sa facility. Then mag-antay ako hanggang dumating ang alas-syete tapos papasok na ako sa facility para i-met ang mga estudyante.
Mag-pre-conference kami nyan hanggang las-otso tas kukuha na ako ng assignment nila. Then mag-medicate kami hanggang alas-onse, medyo i-supervise ko kasi sila sa pag-prepare ng gamot para sa G-tube kasi medyo mabusisi ng konti.Pinapa-break ko sila tuwing alas-onse tapos pagbalik nila mag-finger-stick na kami para sa blood sugars then after that i-cover namin ang insulin dependeng on the result of the accucheck blood sugar. Tas i-send ko na sila for lunch at magkikita kami ng ala-una para sa post-conference.
Kapag bumalik na sila mga bandang ala-una, i-met ko sila sa activity room tapos mag-start na kami ng post-conference. I then reviewed their day by gathering their individual experiences for the day. Isa-isa silang magsasalita kung ano ang mga natutuhan nila that day. Pagkatapos nyan i-review namin ang mga diagnostic procedures na ginawa that day, kung wala kukuha kami ng dalawa sa book tapos i-discuss namin sa meeting. I will also review them one disease and pathophysio tapos pagawa ko sila ng individualize care plans. Sometimes, binibigyan ko sila ng calculation practice. Matapos ang aming post-conference mga banda alas-tres-media. Tapos i-dismiss ko na sila. So pretty much ito ang routine pag may clinical day ako tuwing Miyerkoles, Huwebes, at Biyernes.
Tapos uuwi ako nyan para magpahinga kasi may duty ako nyan sa gabi sa nursing home. Nagtatrabaho naman ako nyan na isang RN Supervisor between 7 am to 7 pm (12 hour shift) sa facility tuwing Biyernes, Sabado, at Linggo. Medyo mahabang gabi naman ito at ang trabaho ko dito ay mag-admit ng mga bagong pasyente at mag-cover ng buong building para supervisor. Tapos pagkaumaga ay magtuturo ako nyan sa clinical sa ospital sa isa namang school na pinagtuturuan ko. Nag-te-teach naman ako dito ng 7 am to 3 pm during Saturday at Sunday. Kitam.... very hectic ang schedule ko.
Tapos cycle na naman. Bali busy talaga ang life ko for the whole week. Mahirap pero okay lang. Anyway gusto ko naman ito kesa maburo sa bahay at walang pera. Hehehe. Kaya yan lang ang mga nangyayari sa aking buhay sa buong Linggo. I hope may natutunan din kayo sa akin. Salamat po sa inyong pagsubaybay. Ingat po kayo dyan mga kapatid. Paalam na!
No comments:
Post a Comment