Sa ngayon medyo nakaluwag na ako dito sa work. Kagabi.... naku napaka-busy talaga. Hindi ko nga alam kung paano no nalampasan ang gabi pero sa awa naman ni Lord natapos ko din ang dapat matapos. Talaga namang nakapagtataka kung papano nangyari na matapos ko ang santambak na trabaho kagabi despite na unang araw ko lang kahapon. Kataka-taka talaga.....
Pero kung tutuusin wala namang trabaho na hindi matatapos eh. Kung may pasensya lang ang isang tao at hindi iniisip n amahirap ang isang gawain ito ay matatapos sa tamang panahon. As long na nag-eenjoy ka lang na gawin ito, ito ay madaling malampasan at matapos. Although, kagabi ay talagang mabilis ang mga pangyayari pero hindi ko lang namalayan ang oras at natapos din ang dapat matapos. Nasa tamang sistema and kalkulasyon lang nakasalalay ang paggawa ng isang bagay. At siguro depende na rin sa taong gumagawa kung ito ay magaan sa loob nyang gawin ang isang bagay. At ako'y naniniwala na ang pormulang ito ay isang sandigan sa isang maagap na tagumpay.
Dumating ako kagabi na medyo tuliro kasi kulang nga ang tulog ko. Galing pa ako sa clinical rotation ko nung umaga at nakatulog lang yata ako ng tatlong oras sa hapon. Unang araw ko sa linggong ito at dumating ako na may nakabadyang dalawang admission. Sa kalagitnaan ng shift ay may isa pang transfer tapos may isa pang COC (chang-of-condition) na nangangailangan ng pagkatakot-takot na charting and documentation. Halos hindi na ako makakandaugaga kagabi kasi sa admissions pa lang halos kulang na ang oras ko considering na mga bagong pasyente talaga ang mga ito at kailangan kong umpisahan lahat ang mga routines for the new admissions.
Salamat naman sa aking angking talento sa pag-type at sa aking maagap na pagdesisyon (quick thinking).... hehehe, at aking nalampasan ang gabing kasumpa-sumpa. hahaha. Nagbibiro lang po ako..... Pero I just took it easy with calm attitude at walang bahid na pag-alala. Salamat na lang at nakapag-pray ako bago ako nag-umpisa sa trabahao. I think prayers always to do work in every thing I do.
Ugali ko n apo kasing magdasal bago ako gumawa ng isang bagay at salamat naman at halos lahat ng aking mga dasal ay effective naman. Talaga namang sadyang mabait lang si Lord sa akin. At halos wala yata akong hinihiling na hindi nya sinasagot. Feeling ko tuloy ay napakasuwerte kong tao talaga, at hindi Niya ako pinapabayaan. Nagpapasalamat na rin ako sa aking mga magulang na sya talagang nagturo sa aking magdasal palagi para maging matiwasay ang bawat araw araw. At sadya namang napakabait na Lord talaga at sinagit naman ang aking mga taimtim na dasal.
Ang formula sa isang dasal ay ang pakikipag-usap kay Lord na para bang nangyayari sa personal. Na iniisip mo na kaharap mo si Lord at kinakausap mo sya na walang halong pagdududa kung di pagtitiwala lamang. Na bukal sa iyong puso ang mga salita na iyong binibigkas at nais iparating sa kanya, na buong puso mong inilalahad sa kanya ang iyong mga hinaing at pag-asa na ikaw ay Kanyang tutulungan. Na ang iyong paniniwala ay buo at walang halong pagdududa. Ganun po ang aking nararamdamn sa tuwing ako ay magdasal at walang anumang bumabagabag sa aking pag-iisip. Na bukal sa iyong kalooban na gawin ang isang bagay para maayos ang iyong paglalakbay. Iyon po ang aking mga ginagawa sa tuwing ako ay magdadasal. At salamat naman at hindi ako pinapabayaan ni Lord.
Salamat naman at nairaos ko rin nang marangal at matagumpay ang aking shift kagabi kahit kaliwa't kanan ang mga distractions pero lahat ng mga ito ay aking napagtagumpayan naman. At salamat naman at ako ay napapaligiran ng mga consistent at confident na mga tao na talagang marunong lang talaga kung ano ang dapat nilang gawin. Napakabait po talaga ni Lord sa akin. Natapos ko rin ang dose oras nang walang halong pag-aalinlangan kasi alam ko na nandidito lang si Lord at hindi Nya ako pababayaan.
Wala na talaga akong maisulat ano? Hehehe. Pati pa ang aking pagdadasal ay nai-blog ko na. Pero wala naman akong intensyon pero gusti ko lang maibahagi sa mga tao ang formula ko sa tagumpay. At ito ang isa sa mga naka-contribute sa aking mga tagumpay sa aking mga pang-araw-araw na gawain. Halos wala na akoong maireklamo pa kasi sa 25 years kong pagiging isang matagumpay na nurse ay halos walang araw na hindi ako nagdadasal. Sa aking pakiwari... ang pagdadasal ay isang parte na ng aking buhay at hindi na ito mawawala pa. Kaya mga katropa ugaliing mag-dasal bago kayo magtrabaho at hindi po kayo bibiguin ni Lord. Good luck po sa inyong lahat!
No comments:
Post a Comment