Saturday, March 15, 2014

Ang Bago Kong Kinahuhumalingan

Sabihin ba nating isa na akong baliw pero hindi maipagkakaila na kung minsan nawawala ako sa akin sarili makakita lamang ng isang maganda at gwapong nilalang. Kung minsan ang nagpapalambot ng aking damdamin ay ang katangian ng isang tao na sadyang nakakatunaw pansin. Ewan ko kung bakit ako naging isang bakla pero tao lamang ako na may damdamin gaya ng karamihan.

Sa ngayon dalawang tao lang ang nagpapatibok ng aking puso. Masasabing ito lamang ay isang pantasya o isang paghanga sa kagandahan panloob at panlabas ng isang tao. Mga katangian na syan nagbibigay inspirasyon sa akon sa kasalukuyan at nagbibigay sa akin ng pag-asa. Baliw na nga yata ako pero aminin ko man o hindi talaga nahuhumaling na talaga ako sa dalawang taong ito. Ewan ko ba..... pero may sa tila magnetong humihigop sa akin para lang hangaan at kabaliwan ang dalawang ito.

Unahin ko muna itong simpleng tao. Hindi sya artista at hindi naman sya tanyag. Isa syang taong magalang, mapagkumbaba, at masipag. Simula nang makita ko sya sa hospital na aming pinagrorotate ng clinical site sa Los Angeles Community Hospital tila may humimok sa akin na kagigiliwan ko sya dahil sa maamo nyang pagmumukha at medyo expressive nyang mga mata. Sa tuwing makikita ko sya tila may ibang saya na naghahari sa aking puso. Ewan ko lang kong "crush" nga ito pero palagi akong natutuwa sa tuwing makikita ko sya.

Nameet ko sya minsan sa may elevator at binati ko sya ng "Hi!" Nagrespond naman sya at nag-smile pa nga sa akin at nang makita ko yung matamis na ngiti at marining ang malalim na boses na iyon tila medyo nawala ako sa aking sarili. Feeling ko natunaw ako nung oras na yon. Nakakahiya talaga. Pero anong magagawa ko.... bakla ako eh. Lol.

Hindi ko mapigil ang aking sarili at sinabi ko ang aking naramdaman sa dalawa kong estudyante. Lingid sa aking kaalaman kinausap nila ang mama at tinanong sya nil ang kanyang pangalan, pati edad at kung saan siya nakatira. Medyo nag-usap sila ng masinsinan ng aking estudyante at pinasa naman nila ang mga impormasyon sa akin. Nahiya man ako pero sa loob ng aking kaibubuturan ay masayang-masaya ako dahil sa mg apangyayari.

Nahiya man akong mag-initiate ng conversation sa kanya at least palagi naman nya akong binabati sa tuwing magkikita kami sa hallway. Sa tingin ko gusto naman nya akong kausapin kasi kung minsan humihinto naman sya at kinakausap ako ng masinsinan pero nahihiya pa rin ako sa aking sarili dahil "crush" ko sya. Nakakahiya talaga pero casual lamang ako at propesyunal sa aking pakikitungo sa kanya. Hindi ko pinapakita sa kanya na excited ako sa tuwing makikita ko sya.

Maamo talaga ang kanyang mukha. Kung minsan ay parang pakiusapan ko syang kunan sya ng "selfie" para naman may remembrance ako. Pero tinitimpi ko ang aking sarili at nahihiya akong mag-initiate na tanungin sya kasi baka iwasan nya ako. Maigi na yung nagkagaanan na kami nang loob kesa isipin nyang nagte-take advantage ako sa kanya. Ang buhay nga naman oo. Medyo maingat lang ako sa aking pakikitungo sa kanya. Nakakahiya kasi dahil sa edad kong ito nagkagusto pa ako sa isang bata.

I hope one of this days magka-usap talaga kami ng intimate para magkakilala kami ng husto. Sana maging close kami sa isa't isa bilang isang matalik na kaibigan. Naalala ko tuloy ang aking naramdaman nung nagka-crush ako nung college kay Eugene. Medyo ganito rin ang aking naramdaman. Hay naku bakit ba ako naging bakla.

Ang isa pang kinahuhumalingan ko ay ang bagong figure skater ng Pilipinas na si Michael Christian Mrtinez na syang naging hit sensation after na sumabak sya sa Sochi Olympic. Hindi man sya nanalo ay nanalo naman sya ng napakaraming fans sa buong mundo. Isa na ako doon.

Ang kwento kasi ni Michael ay nakaka-inspire kasi pinakita nya sa lahat ng tao at Pilipino sa buong mundo na kahit gahol man sya sa pera para sa kanyang trainigs ay hindi ito naging hadlang sa kanyang pangarap na sumali sa Winter Olympics. Nagbigay sya ng karangalan sa Pilipinas bilang solong kinatawan ng bansa at ng Southeast Asian nation. At marami ang nagkagusto sa kanyang estorya at mga paghihirap. Ang kanyang mga performances ay nakaagaw pansin din sa mga media dahil ibang-iba ito sa ibang mga figure skater.

Sya lang among the rest of the figure skaters ang nakakagawa cantilever spread, Bielman spin, at very flexible camel spin. Kaya sya ang tinaguriang darling of the media sa Sochi. Hindi man sya nanalo sa naturang paligsahan dala ni Michael and paghanga ng halos lahat ng Pilipino sa buong mundo at lahat ng mga kabataan ay nainspire sa kanyang kakayahan.

Sa aking panig, walang oras sa isang araw na hindi ako nagche-check ng mg a trending comments about kay Michael sa Facebook at Twitter. Nababaliw na akong basahin ang mg comments about sa kanya at natutuwa ako dahil napakarami talaga ang humahanga sa kanya at isa na ako doon. Kaya isa din sya sa mga taong kinahuhumalingan ko. Hehehe.

S aisang baklang katulad ko, natural lamang sa akin mag-admire ng isang tao. At least ang mga ito ay nagbibigay inspirasyon sa akin para ipagpatuloy lamang ang buhay. Nagpapasalamat naman ako at hindi umabot sa puntong nagpakabaliw ako sa mga ito. At least may mga taong humimok sa akin na gumawa ng tama at sila angmga yun. Ang buhay nga naman oo..... haist.... hindi ko na maexplain ang aking sarili.

Alam ko na temporary lamang ang mga ito. Minsan ito din ang pinaghuhugutan ko ng lakas sa tuwing ako ay depress which is okay naman. Salamat na lang at hindi ako nagpakaloka dito. Pero aaminin ko .... naloloka na talaga ako sa unang mamang binanggit ko kangina. Hindi ako mapakali sa tuwing makikita ko sya. Kabaliwan na ba ito? Ah ewan.... basta masaya ako sa tuwing makikita ko sya. Adios mga amiga......

No comments:

Post a Comment