Ako po ay nagagalak at okay na ako sa kabila ng aking mga injuries na natamo kamakailan dahil sa aking pag-eehersisyo. Sa ngayon ay medyo katamtaman na lang ang mga sakit at pamamaga na aking naramdaman dahil palagi po akong nag-eestretch bago ako mag-exercise. Nakakatulong din pala yon, di ko alam eh.
Medyo may kaunting pamamaga paminsan-minsan pero naiibsan naman pag ako ay kumilos. Natural lang sigurong mamaga dahil nga nag-eexercise. Mas mabuti na nga ito kesa noon na talagang masakit at naninigas pa ang mga kalamnan ko dahilan na hindi ako makalakad. Hahaha. Naalala ko naman yung mga sandaling kamuntik na akong gumapang para lang makakilos. Hahaha. Nakaktuwang isipin yun.
Sa ngayon ay aalagaan ko na ang aking sarili dahil ayoko na namang bumalik sa umpisa at daranasin uli ang mga masasakit na sandaling yon. Hahaha. Parang drama lang ano? Pero sa totoo naman ay ayoko na talagang pabayaan ang sarili ko at magiging mataba na naman na puno ng depression at mababang self-esteem. Malaki na ang ipinagbago ko at ito ay akin lang ipagpatuloy para sa malusog na pamumuhay.
Hay naku, eto na naman ako at nagmumuni-muni na naman ng mga nakalipas. Hay naku hindi talaga maiwasan. Pero kung ano ang determinasyon ko noon ay sya namang dodoblehin ko para hindi na matinag ang disiplinang aking naumpisahan na. Pakaingatan ko na po ito at aking ipagpatuloy ang kausa tungo sa malusog na landas.
Ako po ay na-iinspire kaya medyo ganado din akong mag-blog. Sana napansin nyo rin. Hahaha. Pero sa totoo lang medyo happy ako sa aking narating. Nung i-post ko sa Facebook ang picture ko marami ang bumati sa aking katapangan. At ako naman ay nagagalak at nagustuhan nila ang kinalabasan. Totoo nga ang kasabihan pag may itinanim ay may aanihin. Pag may sipag at tiyaga may nilaga..... tama ba to? Ay ewan.... Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa.... Pag hindi naransan ang sakit hindi makukuha ang gusto.... at iba pang mga kasabihan.
Sa ngayon ay kontento na ako sa aking progress at na-achieve. Ipagpatuloy ko na lang po ang aking mga ginagawa para maabot ko ang aking ideal weight na 155 lbs tapos ay mag-weights para naman magkalaman naman. So far, ang target ko po ngayon ay bumawas ng timbang at wala ng iba.
Paunti-unti lang po para hindi naman masyadong mabigla ang aking katawan. Salamat po sa aking kaibigan na si Leonel na nag-inspire sa akin na gumawa nito. Kung hindi po nya ako na-motivate siguro mas napariwara po ako dahil sa sobrang depression at low self-esteem. Sa ngayon po ay medyo tumaas po ang aking confiansa sa sarili at medyo may takot na po ako sa Dios at sa aking kapakanan.
Wala na po akong mahihiling pa kundi ang patuloy na patnubay ni Lord na sana ay ma-lampasan ko pa ang mga pagsubok na patuloy na bumabatikos sa akin araw-araw at sa mga challenges along the way as I continue myself to an extremely complicated and long journey for a fit and healthy life. I hope myself the best of everything at sana ay patnubayan po ako ng Diyos na Maykapal. Paalam na po.
No comments:
Post a Comment