Friday, January 31, 2014

Kapag Bilog Ang Buwan

Ang buhay nga naman ay puno ng misteryo. Di mo laam kung kelan lilitaw ito. Nakakalto kung minsan. Di ko na alam ang aking gagawin. Ay... oo nga pala katatapos lang ng kabilugan ng buwan. Kaya pala....

May theory daw na kapag bilog ang buwan ang karakter ng isang tao ay nagbabago. Ito ay dahil kapag bilog ang buwan ang buwan mismo ay malapit sa daigdig at ang gravitatinal magnetic field nito ay humihila sa mga bagay na malapit dito pati na tayo na mga tao.

May theory din na kapag bilog ang buwan ang ating mga hormones, o yung mga subsatances sa ating katawan na ginagawa ng mga glands na syang nag-iimpluwensya sa mga major organs ay nasa kanilang kalabisan o nag-ooverflow kaya ang isang tao ay naging emosyunal o nagiging aggresibo. Depende sa mga factors, sitwasyo, at condisyon ng isang indibidwal.

Ewan ko lang kung totoo ang mga haka-hakang ito pero sa aking mg aeksperinsiya bilang isang tao at nilalang dito sa mundo, kapag bilog ang buwan ang isang tao ay naging luko-luko kabilang na ako dito. Hehehe. Pero yan po ang totoo.....

Hay ewan ko at hindi ko mapaliwanag kung bakit pero napapansin ko lang na medyo nag-lalag na ako sa aking pag-eehersisyo. Medyo tinatamad na ata akong pumunta sa gym araw-araw. Naging matakutin na rin ako dahil ayoko nang ma-injure. Naranasan ko na pong ma-injure at iyon ay di biro lang. Ito ay naisalaysay ko na rin sa mga paunang blog ko dito.

Siguro iyon ang nag-trigger sa akin na magprocrastinate. Ang magpaliban ng isang gawain ay di na normal sa akin. Noon, ay palaging nagyayari ito sa akin kaya nga ako ay umabot sa 180 pounds ng timbang dahil sa depression ko noon. Ngayon na nag-eexercise na ako medyo bumalik na rin ang aking compiayansa pero bakit ba naman ako tinatamad paminsan-minsan.

Kailangan ko ang isang tao na talagang tumututok sa akin para masabi na mali ang aking ginagawa. Kailangan ko ang isang tao na sumampal sa aking para ako ay kumilos. Naiinis akominsan sa sarili ko. Sana mag-bago na ako at hindi na ako maging pabaya sa aking pag-eexercise at sa aking mga kinakain.

Ito ba ang nangyayari kapag kabilugan ng buwan. Ma-evaluate nga uli next time. Sa ngayon ay medyo nanumbalik na naman ang sigla sa aking sarili. Sana ako po ay makapag-exercise araw-araw kahit thirty to forty minutes lang, sabi ni Leonel sa akin.

Ang importante daw ay kumikilos ang aking katawan para tuloy-tuloy ang metabolism ko sa aking katawan. Kapag ang pugon sa aking katawan ay palaging nagtatrabaho tataas ang aking metabolism at ako ay papayat nang tuloy-tuloy. So far, effective naman ito sa akin.

Dasal ko lang po na sana tuloy-tuloy na itong aking pagpapayat at naway ito ay maging bahagi na ng aking buhay sa aking mga pang-araw-araw na gawain. Pero paano na kaya pag bilog ang buwan? Ah ewan kailangang labanan ko ang phenomenong ito. Patnubayan nawa ako ni Lord. Ciao!

No comments:

Post a Comment