Saturday, November 13, 2010

Kung Maibabalik Ko Lang

Malupit sa akin ang tadhana pero malakas pa rin ang aking pananaw sa buhay. Alam ko naman na hindi ako pababayaan ng Panginoon. Alam ko naman na ang mga dagok sa aking buhay ay mga pagsubok lamang sa akin ng ating Poon.

Wala na akong magawa pa dahil nangyari na ang mga mapapait na mga karanasan sa aking buhay. Siguro dahil din ito sa aking kapabayaan o siguro sa aking pagtitiwala sa mga tao sa aking paligid.

Nahihirapan man ako pero wala na akong magawa. Taimtim kong tinatanggap ang mga pagsubok at dagok na dumating sa aking buhay. Ito'y nagsisilbing leksiyon sa akin para matuto ako sa aking pagtahak sa mga baku-bakong landas ng buhay.

Sa ngayon hindi ako makapag-isip ng maayos kaya minabuti ko munang magsulat sa Tagalog para makapag-express ako ng aking mga hinaing at aking nararamdaman sa aking puso at isip.

Salamat na lang at hindi ako pinabayaan ng aking paniniwala at ako'y nananatiling malakas at mapagkumbaba kahit ako'y inaapakan pa. Naisip ko tuloy na ako'y palaging pinag-kakaitan ng aking sariling dignidad at kalayaan. Mapait man isipin pero kailangan kong tanggapin ito dahil ito ang binigay sa akin ng Panginoon.

Sa lahat ng aking mga ginagawa palagi ko na lang ipinasa-Diyos ang mangyayari kahit na gagawin ko ang aking makakaya para hindi naman ako masyadong umasa sa Kanya. Pero kailangan kong tanggapin ng taimtim ang mga dapat mangyari at matuto sa aking mga pagkakamali.

Salamat na lang at akong hindi bumigay sa aking mga pagkakamali. Salamat na lang at ako'y naging malakas sa kabila ng mga negatibong pangyayari sa aking buhay.

Ilang beses na sa tanang buhay ko ang mga nangyari na ako'y pinag-iinitan sa trabaho pero dahil sa aking paniniwala sa Kanya ako ang palaging nabiyayaan ng lakas na nagpapabuti ng aking kalooban.

Mahirap man isipin pero lahat ng mga nangyayari sa ating buhay ay may katuturan. Dapat ay matuto tayo sa mga ito at hindi tayo basta-bastang susuko dahil kapag tayo ay susuko, tayo ay matatalo ng ating pagkaduwag.

Kung maibabalik ko lang ang mga dating oras at maitatama ko ang aking kamalian.... sana ako'y isang ganap na maligaya ngayon. Pero huli na ang lahat at kailangan nating pag-aralan ang ating mga kilos at ingatan na hindi tayo makakasakit sa ting kapwa.

Salamat na lang at ako'y malakas sa aking paniniwala at hindi ako pinabayaan ng ating Panginoon. Malakas talaga ako sa Kanya at lahat ng mga pangyayari sa aking buhay.... negatibo man o positibo.... ako ay palaging nasa tamang landas. Mahirap tayo pero nakakatuwa at nakaka-challenging ang buhay.

Kung may "time machine" lang para makabalik sa ating kahapon ako po ay unang nakalinya na sa harap nito. Pero ang ating mga kahapon ay ganap na tapos na at atin na lamang gunitain ito at pag-aralan kung saan tayo nagkamali at kapulutan natin ng tamang aral para tayo ay matuto sa ating pagharap sa araw-araw na mga dagok ng buhay.

Masaya ako ngayon dahil hindi ako pinabayaan ni Lord sa aking mga pagdurusa. At least may tumawag sa akin noong nakaraang linggo para ako ay ma-interview sa isang position sa Pediatric Floor na aking specialty. At salamat naman at ako ay natanggap. Ako po ay taos pusong nagpapasalamat sa Maykapal dahil hindi Niya ako pinabayaan sa aking mga paglalakbay.

Mahirap mapag-isa sa buhay. Kung minsan naisip ko ring tapusin ang aking mga paghihirap pero naisip ko rin na ito'y gawa lang ng isang duwag. Pero ako ay nanghihina minsan at nawawalan ng lakas ng loob. Sa kabila ng lahat, iniisip ko na lang palagi na ako'y may pananaw sa buhay at isang malakas na tao.

Salamat naman at ako'y hindi bumigay sa mga pagsubok na ito. Salamat na lang at hindi ako pinabayaan ng Panginoon at ako'y nananatiling malakas ang loob sa pagharap ng mga dagok ng buhay.

Kung pinili ko sigurong bumigay sa mga pagsubok ng buhay maaring hindi ko natamasa ang umaapaw kong saya ngayon. Sa kabila ng lahat ng mga mapapait kong karanasan masaya ako ngayon dahil hindi ako pinabayaan ni Lord. Masaya ako ngayon dahil biglang nawala na ang aking pag-alala sa mga nangyayari sa aking buhay.

Walang problema na hindi nalulutas. Hindi naman tayo bibigyan ng Poon ng mga pagsubok na hindi natin kaya dahil sa aking pagkaka-alam hindi naman tayo pahihirapan ng Poon dahil alam naman Nya na kaya natin ito. Na sa kabila ng madilim at masalimuot nating mga narandaman sa ating buhay may araw na patuloy na imiilaw sa ating buhay at nagbibigay sa atin ng pag-asa.

Naalala ko tuloy an dbuhay ni Joseph na ibanandona ng kanyang mga kapatid at ibinenta sya sa mga dayuhan bilang alipin. Pero ang hindi alam ni Joseph ay may plano na ang Panginoon para sa kanya. Naging Hari sya ng Egipto at sya ay naatasang tumulong sa kanyang mga kalahi sa bayan ng mga dayuhan.

Tayo rin ay may plano na nakatadhana para sa atin ng ating Panginoon. Kaya kung ano man ito tayo lang ang makaka-alam nito kapag patuloy nating harapin ang mga pagsubok ng buhay. Kaya wag tayo magsuko at manalangin tayo sa Kanya para sa ating sariling kapakanan at para sa mga pagsubok na darating sa ating buhay.

Kaya ikaw, ako, at tayo...... dapat lang na maging malakas tayo sa pagharap ng mga dagok na darating sa ating buhay dahil tayo lamang ang makakapagkalas sa mga ito kung malakas lang ang ating paniniwala sa Diyos. Good luck at maligayang pagtahak sa tamang landas!

1 comment:

  1. tama ka.. wlang pagsubok na hind ntin kayang lutasin... mahal tayo ng panginoon!!! pagsubok lamang yan at katabi natin ang dyois para labanan ang mga pagsubok.. manalangin lang tayo at alalahanin ang dyos...

    ReplyDelete